Ang pinakamahalagang bagay na dapat nating matutunan ay pag-ibig. Naiibig natin ang Diyos, ngunit ang mahalaga ay magpaibig sa kanya. – Papa Francisco
Sa madaling salita: Ano ang Magandang Balita na inihayag ni Jesus?
Iniibig tayo ng Diyos. Nilikha niya tayo upang maisabuhay ang kanyang pag-ibig at lubos na kaligayahan. Ang Diyos Anak ay naging tao –si Jesus– at namatay upang iligtas tayong mga makasalanan. Muli siyang nabuhay upang maibahagi sa atin ang kanyang buhay, at sa gayon maging banal kaisa ni Jesus.
Basehan: Bakit ito pinaniniwalaang totoo ng mga Katoliko?
Ang Diyos ang tumutulong na maniwala tayo. Siya ang Katotohanan at Kabutihan na hindi maaaring manlinlang. Makatuwiran ang ating pananampalataya. Bahagi ng kasaysayan na si Jesus ay nabuhay at naghimala. Matapat niyang inihayag na siya ay Diyos. Matapos na patayin, siya ay nasaksihang buhay ng higit pa sa limangdaang katao; marami sa kanila ang naging martir para patotohanan si Jesus. Itinatag ni Jesus ang kanyang Simbahan; ang pundasyon nito ay si San Pedro, ang pinuno ng labindalawang Apostoles. Iginawad ni Jesus kay San Pedro ang kapangyarihan ng isang pinunong ministro at guro. Nananatili si Jesus sa kanyang Simbahan upang maibahagi nito ng buo ang kanyang inihayag sa Tradisyong oral at nakasulat, ang Biblia. Sabi ni Jesus sa mga Apostoles na hinalilinan ng mga Obispo kasama ang Santo Papa: “Ako ang dinidinig ng nakikinig sa inyo.” (Lk 10:16).
KREDO: Naniniwala tayo sa pag-ibig ng Diyos
May isang Diyos Ama na nagmamahal at makapangyarihan sa lahat. Nilikha niya ang lahat mula sa kawalan at pinanatili niya ito. Nilikha niya ang mga anghel –pawang espiritu– at ang sanlibutan. Nilikha niya ang mga tao na may espiritu at materya: may katawang espiritu. Sa labis niyang pagmamahal, ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang “grasyang nakapagpapabanal”. Ito ay isang pakikibahagi sa buhay ng Diyos! Higit pa sa buong sanlibutan ang grasya na nasa isang tao. Ang Diyos ay pag-ibig na lubusang nagbibigay ng kanyang sarili. Nilikha niya tayo na kalarawan niya. Tayo ay mga persona na may isip at may malayang kalooban, at itinawag tayo na isabuhay ang pag-ibig ng Diyos.
Sina Adan at Eba, ang mga unang tao, ay natukso ng isang makasalanang anghel, ang diyablo. Sinuway nila ang Diyos. Mula noon, nagkagulo at humina ang isip at kalooban ng lahat ng tao. Ang pinakamasama sa lahat ay nawala ang grasya sa atin. Ito ang tinatawag na kasalanang mana. Ang Diyos ay laging matapat sa pag-ibig at humuhugot ng kabutihan sa kasamaan. Yamang hindi natin kayang likhain ang grasya at ligtasin ang sarili, gumawa ang Diyos ng paraan upang muli tayong maging banal. Naging tao ang Diyos mismo upang ipakita ang kanyang pag-ibig sa atin. Sinimulan niya ang ugnayan ng kanyang pag-ibig sa atin.
Sina Adan at Eba, ang mga unang tao, ay natukso ng isang makasalanang anghel, ang diyablo. Sinuway nila ang Diyos. Mula noon, nagkagulo at humina ang isip at kalooban ng lahat ng tao. Ang pinakamasama sa lahat ay nawala ang grasya sa atin. Ito ang tinatawag na kasalanang mana. Ang Diyos ay laging matapat sa pag-ibig at humuhugot ng kabutihan sa kasamaan. Yamang hindi natin kayang likhain ang grasya at ligtasin ang sarili, gumawa ang Diyos ng paraan upang muli tayong maging banal. Naging tao ang Diyos mismo upang ipakita ang kanyang pag-ibig sa atin. Sinimulan niya ang ugnayan ng kanyang pag-ibig sa atin.
Si Jesus ay Anak ng Diyos at ating Tagapagligtas. Ang kahulugan ng kanyang pangalan ay “Ang Diyos ay nagliligtas.” Ipinanganak siya ni Birheng Maria. Lumaki siya sa kanyang pamilya, nagtrabaho at “pinaiigi niya ang lahat.” (Mk 7:37) Sinunod niya ang Diyos at mga awtoridad. Tinanggihan niya ang mga tukso ng diyablo na maging sakim, palalo at makasarili. Nagsimula siyang mangaral: “Magsisi kayo sapagka’t nalalapit na ang Kaharian ng langit.” Niligtas tayo ni Kristo, ang Pinahiran, bilang ating Hari (Daan) na gumagabay sa ating kalooban sa pamamagitan ng kanyang mga batas; bilang Propeta (Katotohanan) na naghuhubog sa ating isip na makilala ang Diyos at malaman ang kanyang plano; bilang Pari (Buhay) na nagdarasal at nagbibigay sa atin ng grasya.
Si Jesus ay tinutulan at ipinako sa Krus. Bilang Bagong Adan na palagiang sumusunod sa Diyos, inialay niya ang sariling kamatayan. Dahil sa kanyang wagas na pagmamahal sa kanyang Ama at sa bawa’t isa sa atin, iniligtas niya tayo sa ating mga kasalanan. “Wala nang pagmamahal na hihigit pa sa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa kanyang mga kaibigan.” (Mt 15:13). Muling nabuhay si Jesus sa araw ng linggo at natamo natin ang grasya na maging mga anak ng Diyos.
Si Jesus ay tinutulan at ipinako sa Krus. Bilang Bagong Adan na palagiang sumusunod sa Diyos, inialay niya ang sariling kamatayan. Dahil sa kanyang wagas na pagmamahal sa kanyang Ama at sa bawa’t isa sa atin, iniligtas niya tayo sa ating mga kasalanan. “Wala nang pagmamahal na hihigit pa sa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa kanyang mga kaibigan.” (Mt 15:13). Muling nabuhay si Jesus sa araw ng linggo at natamo natin ang grasya na maging mga anak ng Diyos.
Sa Pag-akyat ni Kristong Hari sa langit ipinadala niya sa atin ang Diyos Espiritu Santo, ang Pangatlong Persona ng Santatlong Diyos, na nagbibigay ng buhay sa Simbahan, ang Katawan ni Kristo. Siya rin ang nagbibigay ng lahat ng katotohanan at paraan upang maging banal ang tao. Ang lahat ng ito ay naibabahagi sa lahat ng miyembro ng pamilya ng Simbahan. Ang bawa’t tao ay mamamatay, at siya ay hahatulan ni Jesus ayon sa kanyang pag-ibig. Ang pumanaw na kaibigan ni Jesus at nananatili sa grasya ay makakapiling ng Diyos sa langit. Ang nangangailangan pa ng paglilinis ng kaluluwa ay magdaraan muna sa purgatoryo. Ang may kasalanang mortal sa Diyos ay magdurusa sa impiyernong walang-hanggan. Sa wakas ng panahon si Jesus ay babalik, bubuhayin ang mga namatay at hahatulan ang lahat ng tao sa lahat ng kanilang mga ginawa at lahat ng kahinatnan nito. Ang mga banal, kasama ni Jesus, ay maghahari sa kanyang kahariang walang-hanggan. Doon ang Diyos na siyang Pag-ibig ay lahat para sa lahat.
MGA SAKRAMENTO: Ipinagdiriwang at tinatanggap natin ang buhay ng pag-ibig ni Jesus
Ang pangunahing gawaing pagliligtas ni Jesus ay ang kanyang Pagpapakasakit, Kamatayan at Muling Pagkabuhay. Itong lubusang pag-ibig ni Jesus ay tinatawag na Misteryong Pampaskuwa. Sentro ito ng buhay ng Kristiyano. Isinasa-ngayon ito ni Jesus sa liturhiya o pagsamba ng Simbahan na umiinog sa pitong sakramento. Ang mga sakramento ay mabisang tanda ng grasya—buhay ni Kristo na ibinibigay sa atin. Sa Binyag, ang unang sakramento, si Jesus ang kumikilos sa kanyang pari. Ibinubuhos ang tubig na nag-aalis ng kasalanang mana at ibinibigay ang buhay ni Jesus. Tayo ay nagiging isa pang Kristo, si Kristo mismo: “Si Kristo ay nabubuhay sa akin.” (Gal: 2:20)
Ang buhay ni Jesus, Anak ng Diyos, ay lumalago sa atin sa pamamagitan ng iba pang mga sakramento. Ang Kumpil (para lumakas tayo), Kasal (para gawing banal ang buhay pampamilya), Mga Banal na Orden (para maordenahan ang mga pari na siyang nagbibigay ng mga sakramento sa atin), Pagpahid ng Langis sa Maysakit (para gawing banal ang mga mamamatay). Kailangan natin ang Diyos. Kung wala siya ay wala rin tayo. Kaya nga’t dapat tayong magpakumbaba at madalas tumanggap ng awa sa Kumpisal. Ito ay nagbabalik ng nawalang grasya dahilan sa kasalanang mortal at nagpapagaling ng kaluluwa. Mabuti ring tanggapin nang madalas si Jesus sa Eukaristiya, ang taluktok ng gawaing pagliligtas ng Diyos at ng ating pagsamba.
MORALIDAD: Isinasabuhay natin ang lubusang pag-ibig ni Jesus
Ang Kristiyano ay nabubuhay sa dangal at kagalakan ng isang anak ng Diyos: tayo na galing sa kawalan ay tumatanggap ng kapagbigayang walang hanggan mula sa ating Ama, at sa gayon tayo ay mapagbigay sa Diyos at sa kapwa. Ang tunay na pag-ibig ay ang pagnanais ng kabutihan sa kapwa, lubos na pagaalay ng sarili at pakikipagisa sa kalooban ng Diyos. Ang ating kalayaan ay ang kapangyarihan na kumilos o hindi kumilos. Sa gayon tayo ay mapanagutan sa ating pagkilos. Inuulit natin ang mga mabubuting gawain na naaayon sa ating budhi at tinatanggap ang pag-ibig ni Jesus sa atin – sa kanyang batas at grasya. Sa ganitong paraan lumalaganap ang ating mabuting asal at kalayaan. Kung magkasala man tayo sa Diyos Ama ay lubha tayong nagsisisi. Pinagdiriwang niya ang ating pagbabalik-loob at pinupuspos ang ating kaligayahan.
Isinasabuhay natin ang mga pagpapahalaga ni Jesus, ang Mapapalad, at ang dalawang pinakamahalagang utos: Mahalin natin ang Diyos nang buo nating puso, pag-iisip, lakas at kaluluwa, at mahalin natin ang ating kapwa gaya ng ating sarili para sa Diyos. Umaasa, sumasamba at nagtitiwala tayo sa kanya. Kinikilala natin siya ng lubos. (ika-1 utos) Madalas nating sambitin ang kanyang pangalan (ika-2). Tuwing linggo nakakatagpo tayo ng ginhawa sa Diyos at sumisimba tayo (ika-3). Mahal natin ang ating pamilya (ika-4). Nirerespeto natin ang dangal ng bawa’t tao (ika-5). Ginagalang natin ang sekswalidad ayon sa isang malinis na pamumuhay (ika-6 at 9). Maging makatarungan (ika-7 at 10). Maging makatotohanan (ika-8). Tayo ay may pananagutan sa kapatiran, kabutihan at katarungang panlipunan ng tao. Maawain tayo sa mga mahihirap, sa mga nangangailangan na kung kanino natin nakikita si Jesus.
MISYON: Isinasabuhay natin ang lubusang pag-ibig ni Jesus sa kanyang pagligtas sa lahat ng tao
Kaisa natin ni Jesus sa kanyang tanging misyon na iligtas ang lahat ng tao. Ito ay sa pamamagitan ng pagsunod natin sa Diyos at sa kanyang Simbahan sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Bilang Kristong hari, tayo ay kusang naglilingkod, nangunguna na pangasiwaan ang sekular na sanlibutan sang-ayon sa mga pinagpapahalagang bagay ni Jesus. Bilang propeta, pinapahayag natin ang ebanghelyo at ginagawang alagad ang lahat ng tao. Bilang pari, nagdarasal tayo: masigasig nating ginagawa ang ating mga tungkulin bilang alay na sakripisyo, kaisa ni Jesus sa Eukaristiya.
DASAL: Isinasabuhay natin ang lubusang pag-ibig ni Jesus sa pakikipag-usap sa Diyos
Ang isang Kristiyano ay tumutulad kay Jesus at sumusunod sa kanyang utos na “Dapat laging manalangin.” Dahil dito ay nabubuhay tayo na laging kapiling ang Diyos. Kinakausap natin ang ating kaibigan na si Jesus. Iniaalay natin ang lahat ng ating gawain para sa kaluwalhatian ng Diyos. Naglalaan tayo ng panahon araw-araw para makasama ang Diyos: para pagnilayan ang Salita ng Diyos at ang mga turo ng kanyang Simbahan, at para pagmasdan, tanggapin at purihin ang pag-big ni Jesus na siyang kahulugan at buod ng lahat ng bagay. Sinasabi natin sa kanya: “Iniibig kita. Salamat. Sorry. Tulungan mo pa kami.” Bilang mga anak ng Diyos dinadasal natin ang “Ama namin” at dumudulog tayo kay Birheng Maria, ating Ina. Ibinibigay niya si Jesus sa atin.
I-download ang isang pahinang Katesismo dito. Ang PDF ay nandito. Para sa paglago ng Bagong Ebanghelisasyon, gumawa ng mga
kopya nito at ipamigay nang buong puso, o ibenta ito nang meron o walang kita.
Ito ay isinalin sa tulong ni Fr. Rolly Sia at Dr. Raul Nidoy.
Para sa Bagong Ebanghelisasyon, kopyahin at ipamigay sa marami. Pwede ring ipagbili.
Ang original ay nasa ingles: Mini-Catechism: The Greatest Wisdom in One Page.
Tignan din ang Kumpisal: Simpleng Dahilan, Simpleng Paraan
These one-page leaflets have started going viral around the world. One leaflet was posted in the website of the Archdiocese of Westminster in London ("The Mother Church of England"), in the Corpus Christi Parish in Canada, in Kenya and in Macau. To get the full collection, please see this: One Page Leaflets for New Evangelization Going Viral!
Ang original ay nasa ingles: Mini-Catechism: The Greatest Wisdom in One Page.
Tignan din ang Kumpisal: Simpleng Dahilan, Simpleng Paraan
These one-page leaflets have started going viral around the world. One leaflet was posted in the website of the Archdiocese of Westminster in London ("The Mother Church of England"), in the Corpus Christi Parish in Canada, in Kenya and in Macau. To get the full collection, please see this: One Page Leaflets for New Evangelization Going Viral!
No comments:
Post a Comment